TAGALOG
Ang Lunsod ng Los Angeles at ang Tagapagrehistro-Tagapagtala/Klerk ng County ay may kanya kanyang tungkulin sa pangangasiwa ng halalang munisipal ng Lunsod. Ang bawat isa ay inatasan na magbigay ng isinaling materyal para sa halalan.
Bilang pagpatupad ng pederal at lokal na batas, ang Opisina ng Klerk ng Lunsod – Sangay ng Halalan ay nagbibigay ng mga serbisyo sa mga botante na nangangailangan ng tulong sa Armenian, Intsik, Farsi, Hapon, Hindi, Khmer, Koreano, Russian, Espanyol, Tagalog, Thai at Vietnamese.
Kabilang sa mga serbisyong ito ay teleponong matatawagan upang makakuha ng tulong sa iba’t ibang wika, at ang Ingles at mga isinaling materyales para sa halalan ay maaaring i-download sa lista sa ibaba:
- 2024 Pangkalahatang Halalang Munisipal - Mga Pahayag ng Kandidato at Impormasyon para sa Pakikipag-ugnayan
- 2024 Pangkalahatang Halalang Munisipal - Pamplet ng Impormasyon para sa botante (Teksto ng VIP):
- 2024 Pangkalahatang Halalang Munisipal - Audio File ng Mga Panukala sa Balota
- 2024 Pangkalahatang Halalang Munisipal - Mga Video ng Mga Pangangatwiran ng Panukala sa Balota
- Gabay para sa Botante
Para sa karagdagang impormasyon, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Office of the City Clerk - Election Division
555 Ramirez St., Space 300
Los Angeles, CA 90012
(213) 978-0444
(888) 873-1000
(800) 994-8683 Hotline para sa iba’t ibang Wika
Ang mga sumusunod na rekurso at impormasyon ay maaaring makuha sa pamamagitan ng County. Upang mahanap ang inyong Sentro para sa Pagboto at Halimbawang Balota, mangyaring bisitahin ang lugar ng web lavote.gov. Upang humiling ng Halimbawang Balota na isinalin o mga impormasyon tungkol sa Rehistrasyon sa Pagboboto, Pagboto-sa-Pamamagitan-ng-Koreo at para sa lahat ng impormasyon tungkol sa operasyon hinggil sa Araw ng Halalan, mangyaring makipag-ugnayan sa:
Los Angeles County Registrar-Recorder/County Clerk
12400 Imperial Highway
Norwalk, CA 90650
(800) 815-2666
www.lavote.gov
Office of the City Clerk
555 Ramirez Street, Space 300, Los Angeles, CA 90012
Tel: (213) 978-0444
clerk.lacity.gov/elections